Posted 5 hours ago5 hr Si Maria Leonor Gerona Robredo (Santo Tomas Gerona noong dalaga; isinilang Abril 23, 1965),[1][2] mas kilala bilang si Leni Robredo, ay isang Pilipinong abogado, pulitiko, at aktibista na nanungkulan bilang ang ika-14 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Siya ang asawa ng dating kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal na si Jesse Robredo. Bago siya maging pangalawang pangulo ng bansa, nanunungkulan si Robredo bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng lalawigan ng Camarines Sur mula 2013 hanggang 2016. Pagkatapos nito, tumakbo siya bilang pangalawang pangulo sa ilalim ng Partido Liberal, kasama si Mar Roxas bilang katambalan niya. Dito, natalo niya si Bongbong Marcos nang lagpas 270,000 boto lamang.[3][4] Siya ang ikalawang babaeng pangalawang pangulo ng Pilipinas, pagkatapos ni Gloria Macapagal Arroyo noong 1998, at ang unang taga-Bikol na umupo sa naturang puwesto.
Join the conversation
You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.